Imbis na pumapasok sa klase ang mga bata, dumidiretso na sila sa mga computer shop upang maglaro ng Dota. Subalit, hindi lamang puro negatibo ang naibibigay ng gaming sa mga batang ito. Nakakakuha sila ng mga aral na hindi lamang basta basta napupulot sa eskwelahan kagaya ng halaga ng "teamwork." Sa Dota, kailangang 5 kayo na nagtutulong tulungan upang makamit ang panalo. At dahil nga naging sobrang popular ng Dota sa Pilipinas at may mga indibidwal na nagsumikap maging pinakamagaling sa bansa, nabuo ang tinatawag na Mineski.
Ito ay ang National Team ng Pilipinas sa Dota. Ito ay binubuo ng star player na si Julz, PaseoNma, JessieVash, OwaJosh at Jay-Bimbo. Sila ang mga "nag-adik" upang makarating sa pinakatuktok ng Pilipinas. Kung akala ninyo na sila ay mga bubwit lamang kumpara sa buong mundo, kayo ay masusurpresa na ang Mineski ay isa sa pinakamagagaling na mga Dota teams sa mundo. Sa napakamalikhain na laro nila, nakita sila ng Valve at sinali sila sa The International 1 kung saan ang mga pinakamagagaling na mga Dota teams ay naglalaban laban para sa napakamalaking pera.
Lumaban ang Mineski at ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya ngunit sa huli, natalo parin sila sa natanggal sa kompetisyon. Sabi nga ni Dendi, ang pinakamagaling na Dota player nung panahong iyon, "you really can't underestimate the heart of a Filipino." Napakaraming nabilib sa mga pinoy noong panahong iyon dahil sobrang malikhain sila sa kanilang laro ang nagbigay sila ng mga bagong ideya tungkol sa laro kagaya ng "bottle crowing" na isang stratehiya sa larong dota.
Kahit na natalo ang Mineski ng tatlong beses, maraming mga Pilipino ang nabilib sa National Dota Team. Mas marami pa tuloy na mga bata ang nainspire at natuwa sa pwedeng marating ng mga Pilipino sa mundo ng Dota. Dahil dito, nag-iba tuloy ang paraan ng pag-iisip ng mga tao tungkol sa mga naglalaro ng Dota. Kung dati rati, matatawag mo ang mga taong napakatagal na naglalaro ng computer games na adik, ngayon tinitingala na sila ng mga tao. Natanggal na ang prejudice patungkol sa mga seryosong manlalaro. Sa panahong ito, na mayroon nang mararating ang paglalaro ng Dota nang seryoso, may rason na ang mga tao na maglaan ng kanilang panahon sa paglalaro ng Dota. Sabi nga ni Aquino noong 2012, "“It is
better for the students to spend their time playing computer games like DOTA than to smoke, drink alcohol and take drugs." Natanggal na ang nakakalasong stigma na pagtingin na ang mga computer game addicts ay mga adik lamang kundi naging mga national heroes na ang mga nagrerepresenta ng Pilipinas gaya ng Mineski. Kung dati ay nasa ibaba lamang ang mga computer gamers, ngayon ay nailagay na sila sa isang pedestal kung saan sila ay pwedeng makilala sa kanilang ginagawa. Naging parte na ng ating buhay ang Dota, dapat yakapin natin ito at payamanin pa ang ating kultura. Laban Pilipinas!!